Nasunog ang ginagawang hotel sa Pasay City nitong Biyernes ng gabi.

Nagsimula ang sunog sa ikalimang palapag ng Okura Hotel na itinatayo sa Barangay 183, New Port Boulevard.

Ayon saBureau of Fire and Protection (BFP) nagsimula ang sunog dakong 9:04 ng gabi at agad ng nakontrol bandang 9:13 ng gabi.

Sinabi ng BFP na nasa P75,000 ang pinsala sa ari-arian at walang naiulat na nasugatan sa insidente.

Metro

‘Traffic Advisory’ sa Translacion 2026, inilatag na para sa mga deboto at motorista

Patuloy pa rin ang imbestigasyon tungkol sa pinagmulan ng sunog.

Jean Fernando