Ipinaliwanag ng 'Earth Shaker', isang non-profit youth organization na naglalayong magbigay ng mga detalye, impormasyon at trivia tungkol sa Earth Science at iba pang mga science-based facts, ang pagkakaiba ng 'rotation' at 'revolution'.

Kaugnay kasi ito sa malikhaing caption para sa ika-22 taong kaarawan ni Heaven Peralejo na nai-post niya sa social media, kung saan, sinabi niyang '22 rotations around the sun' ang pagkakalarawan niya sa kaniyang edad, na umani naman ng batikos at pagtatama mula sa mga netizen.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/27/heaven-peralejo-thank-you-for-the-science-lesson-guys/

Dumepensa rin sila sa isang live kasama ang kaniyang kaibigan at ipinaliwanag nila kung ano ang ibig sabihin ng rotation, ngunit lalong nadagdagan ang kanilang natanggap na reaksyon at komento dahil mali pa rin ang pagkakapaliwanag nila. May mga netizen pang nagsabi na marahil ay pareho silang absent sa Science classes nang talakayin ito ng kani-kanilang mga guro.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

Kaya naman, agad na itong itinama ni Heaven at nagpasalamat pa siya sa 'science lesson' na natanggap niya mula sa publiko.

Samantala, narito naman ang paliwanag ng Eart Shaker:

Screengrab mula sa FB/Earth Shaker

"A friendly reminder that a revolution is different from rotation. Revolution refers to the object's orbital motion around another object. On the other hand, rotation refers to the object's spinning motion about its axis," ayon sa kanilang paliwanag.

"In solar time, or the time it takes for the Earth to face the same position, the Earth rotates on its axis relative to the Sun every 24.0 hours. While in a sidereal day, or the time it takes to face the Sun on the same position, takes 23 hours, 56 minutes, and 4 seconds."

"Meanwhile, the Earth revolves around the Sun in 365 days, 6 hours, 9 minutes (365.256 days). The addition of 6 hours and 9 minutes will add up every fourth year to about an extra day, creating the leap year with the extra day added as February 29th."

May be an image of text that says 'REVOLUTION VS ROTATION Revolution It is the object's orbital motion around another object. Rotation It is the object's spinning motion about its own axis. Earth rotates on its own axis, producing the 24- hour day. Earth revolves about the Sun, producing the 365-day year. Earth Icon Fourmilat Note: Distance Notto Scale REFERENCE Basics Space light Solar System Science. NASA Û 川月コ'
Screengrab mula sa FB/Earth Shaker

Inilagay rin nila ang mga naging references o sanggunian nila.