Tiniyak ni Department of Health (DOH) CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) Regional Director Ariel M. Valencia nitong Sabado sa mga residente na handang-handa na silang magbakuna ng hanggang isang milyong indibidwal kada araw, para sa 3-araw na National Vaccination Days na nakatakdang idaos mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, 2021.

Ayon kay Valencia, lahat ng vaccination teams nila ay handa na at ipopokus umano nila ang kanilang efforts sa mga lugar sa rehiyon kung saan mababa ang vaccination coverage.

“We will endeavor to reach GIDA (Geographically Isolated and Disadvantaged Areas) including island communities to personally assess the situation at the ground level to enable us to provide the needed interventions including providing the proper information on Covid-19 and importance of vaccination to residents,” ani Valencia.

“Together with the local government units, our target is to vaccinate 1 million a day. We have a total of 174 vaccination teams strategically located in various provinces where people can get their vaccine,” aniya pa.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Binigyang-diin rin naman ni Valencia sa mga mamamayan na ang lahat ng brands ng bakuna laban sa COVID-19 na ginagamit sa bansa ay ligtas.

“Huwag na po tayong mamili pa ng brand ng vaccine dahil lahat ng ito ay ligtas gamitin. These vaccines will protect you and your family and I encourage you to proceed to your nearest vaccination centers during the 3-day vaccination day and get vaccinated. Let us do our part in helping eliminate Covid-19,” aniya pa.

Nabatid na ang mga available vaccines na gagamitin sa tatlong araw na bakunahan ay Sinovac, Moderna, Gamaleya Sputnik V, Pfizer at AstraZeneca.

Kabilang naman sa mga target eligible population na babakunahan ay ang mga lalawigan ng Batangas (596, 193 residente), Cavite (722, 217), Laguna (604,698), Quezon (396,732), Rizal (616,581) at Lucena City (63,579).

“We will strengthen our efforts and health promotion activities in these areas at kung kailangang magbahay-bahay upang kumbinsihin ang mga residente na magpabakuna ay gagawin namin upang maibigay ang proteksiyon kinakailangan nila laban sa Covid virus,” dagdag pa ni Valencia.

Ang tatlong araw na aktibidad ay isasagawa sa pakikipag-koordinasyon sa iba’t ibang regional agencies kabilang na ang DILG, PNP, BJMP, BFP, OCD, DOLE (para sa ecozones) at DepEd.

Nakatakda rin umano silang mag-deploy ng karagdagang health human resource mula sa mga pagamutan mula sa NCR, volunteers at DOH central office kabilang na ang regional staff, sa iba’t ibang vaccination sites sa naturang 3-day event.

Mary Ann Santiago