Humihiling ng P181.6 milyon alokasyon sa pondo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagtatatag ng isang preliminary treatment and storage facility upang pangasiwaan ang COVID-19 healthcare wastes.

Sa isang pahayag nitong Sabado, sinabi ng DENR na nais nitong hilingin ang multi-million budget mula sa 2022 solid waste management program budget na nagkakahalaga ng P774 milyon.

Sa pamamagitan ng Environmental Management Bureau (EMB) ng ahensya, sinabi ng DENR na plano nitong magbigay ng pondo para sa 227 LGUs sa bansa para sa tamang koleksyon, treatment, pag-iimbak at pagtatapon ng protective personal equipment (PPE), syringes, vials at iba pang COVID-19 related na basura mula sa mga kabahayan, vaccination sites, testing at quarantine facilities. Sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu na habang nagsimulang bumaba ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa, ang mga healthcare wastes na dulot ng pandemya ay “patuloy na naging hamon sa mga lungsod at lalawigan.”

“Through this program, we hope to support LGUs in improving the collection of COVID-19-related healthcare wastes, especially in remote areas and among small generators that are not serviced by treatment, storage and disposal (TSD) facilities,”ani Cimatu.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, sinabi ni Undersecretary for Solid Waste Management and LGUs Concerns Benny Antiporda na ang iminungkahing treatment at storage facility ay magsisilbing pansamantala at transit point para sa mga healthcare waste.

Kabilang dito ang mga PPE, syringe, karayom at vials para sa pagdidisimpekta at pag-iimbak ng kemikal bago sila dalhin sa pasilidad ng TSD.

Ang panukalang waste management program ay inihayag ng Senate Committee on Environment and Natural Resources and Climate Change Chairperson Senator Cynthia Villar, na nag-sponsor ng budget ng DENR sa plenary session ng upper chamber nitong Nobyembre 15.

Ang panukala ay binuo ng DENR batay sa rekomendasyon nina Villar at Senator Francis Tolentino sa pagdinig ng budget sa Senado na mag-abot ng karagdagang tulong sa mga LGU sa pamahahala ng mga basurang COVID-19 healthcare wastes.

Ang iminungkahing P181.6 milyon na budget ay dadaan sa mga regional offices ng DENR. Ang bawat LGU ay tatanggap ng P800,000 para sa pagtatayo ng mga special waste facilities.

Gayunpaman, nilinaw ng DENR na hindi saklaw ng COVID-19 healthcare waste program para sa mga LGU ang mga medical wastes na nagmumula sa mga ospital.

BukoD sa preliminary treatment at storage facility, kasama sa budget ng solid waste managemenat program para sa 2022 ang suporta para sa pagtatatag ng trash traps, koleksyon at mga serbisyo sa pagtatapon ng mga basura, pagkakaloob ng waste management equipment tulad ng shredders, composters at plastic recycling equipment para sa nga LGU sa buong bansa at hauling services para sa solid waste na kinokolekta sa Boracay.

Joseph Pedrajas