NUEVA ECIJA - Patay ang isang dating barangay kagawad matapos pagbabarilin ng riding-in tandem habang minamaneho nito ang kanyang jeep sa San Leonardo nitong Biyernes ng umaga.

Kaagad na namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang kinilala ng pulisya na si Luisito Reyes, 48, taga-Brgy. Mallorca ng nabanggit na bayan, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Pauwi na sana ang biktima sakay ng owner-type jeep nito nang biglang harangin at pagbabarilin ng dalawang lalaking nakamotorsiklo sa Brg. Mambangnan, dakong 7:00 ng umaga.

Sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, aabot sa 13 na basyo ng bala ng Cal. 45 pistol ang narekober sa crime scene.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso upang matukoy ang mga responsable sa krimen.

Light Nolasco