Nakapagtala ang Pasay City government nitong Biyernes ng 97.39 percent recovery rate sa mga nadapuan ng coronavirus disease (COVID-19).
Tinatayang 21, 452 indibidwal mula sa lungsod ang gumaling na mula sa nakamamatay na COVID-19.
Sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na iniulat ng City Health Office (CHO) na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 ay bumaba na ngayon sa 30 at ang bilang ng mga namatay ay nananatili sa 546.
Iniugnay ni Rubiano ang pagbaba ng bilang ng mga kaso sa lungsod sa dedikasyon ng mga health worker sa pag-aalaga sa mga pasyente.
Sinabi niya na sa 30 aktibong kaso na naitala ng CHO, dalawa ang nakatakdang tapusin na lang ang kanilang complete recovery.
Nanawagan din ang alkalde sa mga residente ng lungsod na ipagpatuloy ang pagsunod sa basic health protocols para sa kanilang proteksyon laban sa virus.
Hiniling ni Rubiano sa mga hindi pa nababakunahan na residente ng Pasay na tanggapin na ang kanilang bakuna sa National Vaccination Days sa Nob. 29 hanggang Dis. 1.
Sinabi niya na umaasa ang pamahalaang lungsod na makakamit ang isang digit na bilang ng mga kaso ng COVID-19 ngayong panahon ng Pasko.
Jean Fernando