Kung gagawa ng listahan ng mga artistang naging markado ang pagganap bilang kontrabida, tiyak na mapapasama, o kundi man ay nasa numero uno ang mahusay na aktres na si Princess Punzalan.

At kapag sinabing Princess Punzalan, tila kakambal na niya ang iconic kontrabida role na 'Selina Matias' sa classic soap opera ng ABS-CBN noong 90s: ang 'Mula sa Puso' na pinagbidahan nina Claudine Barretto, Rico Yan, at Diether Ocampo, at idinerehe ng yumaong premyadong direktor na si Wenn Deramas.

Nagsimula ito noong 1997 at nagtapos noong 1999.

Nito lamang Nobyembre 25 ay naging trending sa social media ang muli niyang pagsasabuhay sa isa sa mga iconic scene sa naturang soap opera: ang pagpapasabog niya sa bus na kinalalagyan ng kaniyang pamangkin na si Via, ang karakter ni Claudine Barretto, na ilang beses na rin niyang pinagtangkaan ang buhay upang makuha ang mana mula sa kapatid na si Fernando, na ginampanan naman ni Juan Rodrigo.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nang sumabog ang bus, tumatak sa isip at puso ng mga masugid na tagapanood nito ang iconic evil laugh ni Selina, dahil sa pag-aakalang kasama sa sumabog at natupok na bus ang pamangking si Via. Nasaksihan naman ito ng tunay na ina ni Via na si Magda, na ginampanan naman ni Jacklyn Jose.

Princess Punzalan (Screengrab mula sa YT/Mula sa Puso)

Princess Punzalan (Screengrab mula sa YT/Mula sa Puso)

Princess Punzalan (Screengrab mula sa YT/Mula sa Puso)

Princess Punzalan (Screengrab mula sa YT/Mula sa Puso)

Princess Punzalan (Screengrab mula sa YT/Mula sa Puso)

Jacklyn Jose (Screengrab mula sa YT/Mula sa Puso)

"In this scene from 'Mula Sa Puso,' Selina Matias has deep hatred for Via and her mother Magda. She signals to have the bus Via was on to blow up. After the explosion, she sees Magda losing it because Via was in the bus. #MulaSaPuso #SelinaMatias #EvilLaugh #AsianActor #FilipinaActor," ayon sa caption ni Princess.

Princess Punzalan (Screengrab mula sa IG/Princess Punzalan)

Sa video, makikitang pinapanood ni Princess ang lumang video clip ng naturang iconic scene, na siyang sinusundan niya. Maya-maya, maririnig na ang pagsabog mula sa kaniyang pinanonood. Nagsimula na rin siyang tumawa habang mangiyak-ngiyak ang mga mata---kagaya nga ng ginawa niyang pagsasabuhay noon sa karakter ni Selina.

Nabuhay naman ang dugo ng mga batang 90s at hindi nila naiwasang mapabalik-gunita o throwback, lalo't karamihan sa mga cast members nito ay namayapa na, gaya nina Nida Blanca, Charito Solis, at ang bida nitong si Rico Yan.

"Napakahusay pa rin, Selina! wala pa ring tatalo sa nag-iisang Selina, na tumatak na talaga sa kasaysayan ng Philippine Soap Opera sa showbiz!"

"A new friend of mine, @joyannsworld3gs, was just telling me last night that she thought you were a mean person in real life because of Mula Sa Puso. I was cracking up and telling her, it’s quite the opposite and that your halo is ten times bigger than mine."

"Ito yung scene na sumabog bus na sinasakyan ni Via pero nakaalis na pala. Grabe super Galing Ms. Selina!"

"Ang tumatak na tawa ng nag-iisang Selina! Very iconic! Sana po bumalik na po kayo sa acting!"

"The movie version is nakakatakot and nakakagalit… this version will make audience see the pain of Selina Matias, na hindi siya unreasonable villain. Na gumagawa siya nang mali pero not just out of spite.. and for the sake of being kontrabida. Meron din siyang pain na nararamdaman. Super galing n 'yo po Miss Princess."

"That acting will forever be etched in our memories. You gave an overwhelming performance."

"Hay grabe po napanood ko 'yon, buong Pinas yata nakatutok noon sa scene mo na 'yon. Idol!"

"Princess Punzalan is THE BEST as the iconic terminator kontrabida Selina Matias! Siya ang pinaka-favorite ko sa lahat ng mga kontrabida actors/actresses. Walang tatalo sa kanya!"

Princess Punzalan (Screengrab mula sa IG/Princess Punzalan)

Princess Punzalan (Screengrab mula sa IG/Princess Punzalan)

Princess Punzalan (Screengrab mula sa IG/Princess Punzalan)

Princess Punzalan (Screengrab mula sa IG/Princess Punzalan)

Princess Punzalan (Screengrab mula sa IG/Princess Punzalan)

Matapos ang naturang soap opera ay agad itong nagkaroon ng movie version, sa ilalim ng Star Cinema.

Teleseryes We'd Like TV Networks To Bring Back - Wonder
Princess Punzalan (Screengrab mula sa YT/Mula sa Puso)

EVIL LAUGH by SELINA MATIAS - YouTube
Princess Punzalan (Screengrab mula sa YT/Mula sa Puso)

Noong 2011 ay nagkaroon ng remake ang Mula sa Puso, at ang gumanap na Selina Matias ay si Eula Valdez. Ang gumanap na Via naman ay si Lauren Young, Gabriel si JM De Guzman, at si Enrique Gil naman ang Michael.

Ayon sa panayam ni Boy Abunda kay Princess noong 2016 sa 'Tonight With Boy Abunda' na nagbalik-teleserye bilang kontrabida sa 'The Story of Us', nakaranas umano si Princess na muntik na siyang mapalo ng payong ng isang matandang babae, dahil sa labis na galit sa kaniyang karakter. Bukod dito, napabalita rin na marami ang nagkaroon ng sakit sa puso dahil sa kaniya, na naging sanhi ng kanilang pagpanaw.

Kahit ilang taon na raw ang lumipas at kahit namumuhay na siya nang tahimik sa Amerika bilang isang registered nurse, may mga nakakaalala pa rin sa kaniya bilang si Selina. Ito rin umano ang itinatawag sa kaniya minsan.

"Up until now, kahit saang bansa ako magpunta, madalas ko pa ring naririnig na ang tawag sa akin ay Selina," pag-amin ni Princess.

Umaabot din umano sa punto na ipinaliliwanag pa niya sa mga taong nagagalit sa kaniya, na iba si Selina kay Princess. Magkaibang tao sila, at isang pagganap lamang ang ginagawa niya.

Ipinaliwanag din ni Princess na talagang pinaghandaan at inaral daw niya kung paano gawin ang atake sa naturang iconic scene. Ang tawa raw niya ay tiniyak niyang magmumula sa kaniyang diahpragm.

Upang mas maging epektibo, sinamahan pa niya ng pangingilid ng luha ng mga mata upang mag-reflect ang apoy mula sa nasusunog na bus, at upang mas maging 'evil' nga naman ang dating, bagay na naging matagumpay naman dahil hanggang ngayon, nangingilabot pa rin ang mga tagapanood kapag napapanood ito sa YouTube.