Itinaas ni Presidential aspirant at Vice President Leni Robredo ang moral ng kasundaluhan nang bumista ito sa General Headquarters (GHQ) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo, Quezon City nitong Biyernes, Nob. 26.

Ito ang sinabi ni Lt. Gen. Andres Centino, AFP Chief of Staff, pagkatapos ng nakaugaliang courtesy call ng presidential aspirant na inilarawan niyang “very uplifting.”

“Being graced with the presence of the country’s Second-in-Command is a direct expression of the unwavering support that our civilian leadership bestows to our Armed Forces,” sabi ni Centino nitong Sabado, Nob. 27.

Tinanggap ni Centino si Robredo sa isang tradisyunal na military honors sa GHQ Canopy Area sa kanyang pagdating.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Pagkatapos, sumunod ang command briefing sa pagitan ni Robredo at ng mga nangungunang heneral ng bansa sa Silid Lapu-Lapu sa GHQ building kung saan tinalakay sa Bise Presidente ang patuloy na programa at inisyatiba ng militar, partikular sa pagpapatupad ng Development Support and Security Plan (DDSP) “Kapayapaan.”

Sa ilalim ng DSSP Kapayapaan, tinutukan ang masiglang operasyon ng suportang limitar upang matiyak na ang mga development interventions ay makararating sa mga komunidad lalo na sa mga apektado ng armadong labanan.

Sinabi ni Centino na ang “grounded policy guidance” ni Robredo na “complemented by firm policy actions” ay “positively steering the country to achieve a really equitable socio-economic agenda for Filipino people.”

Tiniyak din ni Centino kay Robredo ang “solid na suporta ng AFP sa pagsulong ng pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng pagtiyak na napapatili ang kapayapaan at seguridad sa kanayunan.”

“With the Vice President’s unceasing trust and confidence in our organization, we in the Armed Forces shall always be at our best in demonstrating our strong resolve to exemplify excellence and professionalism in all our undertakings,”ani Centino.

Ipinaalam din kay Robredo ang mga makabuluhang milestone sa patuloy na transformation journey ng military na naaayon sa AFP Tranformation Roadmap.

Samantala, binati ni Robredo si Centino para sa kanyang bagong appointment bilang Chief of Staff, at pinasalamatan siya sa suporta ng militar sa paglaban sa COVID-19 pandemic. Nagsimulang manguna si Centino sa AFP nitong Nob. 12.

Pinuri niya ang AFP sa pagkakaroon ng “solid na tiwala at kumpiyansa” mula sa mamamayang Pilipino na “kahit kailan hindi sinayang ng AFP ang tiwalang iyon.”

“The AFP is an able partner of our office especially during the start of the pandemic. We are appreciative of the fact that even during the pandemic you received us,”sabi ni Robredo.

Martin Sadongdong