TOKYO, Japan-- Balak ipatupad ng Japan ang sampung araw ng quarantine sa mga papasok ng bansa matapos madiskubre sa South Africa ang bagong COVID-19 variant.
Simula ngayong Sabado, hihilingin ng Tokyo sa mga travellers mula sa South Africa at kalapit na bansa-- Namibia, Lesotho, Eswatini, Zimbabwe at Botswana na manatili lamang sa itinalagang pasilidad sa oras ng kanilang pagdating.
Sinabi ng South African scientists na ang bagong nadiskubre na B.1.1.529 strain ay mayroong 10 mutations na kung saan ito ay patuloy na minomonitor ng World Health Organization.
“We have seen reports that it might be more transmissible (than other variants) and that the effectiveness of vaccines against it might be uncertain,” ayon kay Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno
“So we have decided to take utmost precaution,” aniya sa isang press conference. Dagdag din niya wala pang naitatala na naturang bagong variant sa Japan.
Agence-France-Presse