Ipinagtanggol ni dating Senador Antonio Trillanes IV si presidential aspirant at Vice President Leni Robredo sa kanyang viral Tiktok video kung saan nakita siyang gumawa ng imaginary energy blast attacks sa umano’y mga kaaway ng bansa sa darating na Halalan 2022.

Habang pinagtatawan ng ilang netizens si Robredo, naniniwala si Trillanes na matagumpay na tinamaan ng 56 anyos na lider ng oposisyon ang”bulleye.”

“Campaign politics is a hit or miss thing. Some political gimmicks hit the mark, others don’t. Re VP’s latest tiktok video, it was bullseye!’ sabi ng dating Navy officer sa isang Facebook post nitong Huwebes ng hapon, Nob. 25.

“Campaign politics is a hit or miss thing. Some political gimmicks hit the mark, others don’t. Re VP’s latest tiktok video, it was bullseye!”ani Trillanes.

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

Vice President Leni Robredo at dating Senador Antonio Trillanes IV

Sa trending na Tiktok video, ang Bise Presidente ay makikitang nagkukumpas gamit ang kanyang kamay na tila umaatake sa mga katagang “magnanakaw,” “sinungaling,” at ‘taksil sa bayan.” Mula noon ay nagkalat na ito sa iba pang mga social media platform.

Sa naturang video, gumanap si Robredo ng alinmang sa isa: “Kamehameha” mula sa sikat na anime Dragon Ball o “hadouken” mula sa serye ng video game Street Fighter, depende sa pop culture preference ng kanyang audience.

Pinanatili ni Robredo ang kanyang seryosong mukha sa buong video at isang pinakaseryosong hair flip na ginawa ng opisyal.

“Kalma lang pero matapang!” pagtatapos ng video.

Tumatakbang senador si Trillanes sa ilalim ng tiket ni Robredo.

Ellson Quismorio