Tatanggap ng walk-ins ang Pasay City government sa mga nais makakuha ng booster shot laban sa COVID-19.

Sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano na target nilang makapagbakuna ng 200 na indibidwal na kabilang sa A1 (health front liners), A2 (senior citizens), and A3 (adult with comorbidities) priority groups.

Dagdag din ni Rubano na nagsesend sila ng text message sa mga naka-iskedyul para sa booster shot.

Nakasaad sa Facebook ng Public Information Office ang mga lugar para sa Nob. 26 at Nob. 27 booster vaccination.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Para sa A1 at A2 categories, maaaring pumunta sa Double Dragon Plaza simula 8:00 a.m. hanggang 3:00 p.m. para sa Pfizer brand, at Pasay City West High School simula 8:00 a.m hanggang 4:00 p.m. para sa Sinovac.

Para naman sa A1, A2, at A3 categories na nais makakuha ng AstraZeneca vaccine, maaaring pumunta sa SM MOA Giga Vaccination Center.

Pinaaalalahanan ng CHO ang mga vaccinees na dahil ang kanilang COVID vaccination card at valid identification card. Para naman sa A3 category, kailangan magdala ng medical certificate.

Jean Fernando