Sinabi ni Senador Risa Hontiveros nitong Biyernes, Nob. 26 na walang karapatan ang China na iparamdam sa mamamayang Pilipino na may banta o hind ligtas sa kanilang sariling karagatan.

Sa isang pahayag, Sinabi ni Hontiveros na naninindigan siya kasama ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na paraan ng harassmentt at pananakot ang teyoryang kumukuha ng mga larawan at video ng puwersa ng Pilipinas ang mga tauhan ng China. Dagdag niya, hinaharangan ng China ang mga tropa ng bansa upang kalauna’y umatras ito sa lugar.

“Our military personnel at Ayungin Shoal are practically under food blockade. China wants to starve us out, force our personnel to leave, then occupy Ayungin,”sabi ni Hontiveros.

Ipinaliwanag niya na magiging interes ng lahat para sa China na itigil kaagad ang pagharang nito sa Ayungin upang maiwasan ang anumang mga insidente na maglalagay sa alanganin sa kapayapaan at katatagan nito sa rehiyon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Para sa senador, hindi rin tama ang sinabi ng foreign minister ng China kun saan iginiit nito na ang Ayungin Shoal ay bahagi ng China kahit na nasa loob ito ng Exclusive Economic Zone (EEZ) batay na rin sa pinagtibay na posisyon ng Permanent Court of Arbitration.

“We have the right to go anywhere we please in our EEZ, and the Philippines will fight for our right,” sabi ni Hontiveros.

Dhel Nazario