Namahagi ng health kits ang Las Piñas City government sa halos 2,400 senior citizens nitong Biyernes, Nobyembre 26.

Ayon kay Mayor Imelda Aguilar ang distribusyon ng health kits sa mga senior citizens na mula sa 20 barangay ng lungsod ay parte ng patuloy na proyekto ng lokal na pamahalaan sa koordinasyon ng City Social Welfare and Development sa pamumuno ni Junet Barilla.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Ani Aguilar, ang bawat health kits ay naglalaman ng face masks, dalawang bote ng alcohol, isang toothpaste, isang toothbrush, isang sabon, pulbo, thermometer, oximeter, tissue, at plastic container box para sa kanilang mga gamot.

Dagdag din ng alkalde, isa sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon ay ang matiyak na maayos ang kalusugan at kapakanan ng mga senior citizens.

Jean Fernando