Pahahalagahan, isusulong at poprotektahan ang "indigenous and traditional systems" sa bansa.

Pinagtibay ng House Committee on Basic Education and Culture sa ilalim ni Pasig City Rep. Roman Romulo nitong Huwebes ang House Bill 10469 o ang “Philippine Indigenous and Traditional Writing Systems Act.”

Ang layunin na panukala na inakda nina Speaker Lord Allan Velasco at Manila Rep. John Marvin Nieto ay maisulong, mapangalagaan at makonserba ang mga katutubo at tradisyonal na sistema ng pagsulat sa Pilipinas.

Inoobliga ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na isama ang sistema sa pagsusulat o writing systems sa mga "relevant subjects of basic and higher education curricula, as well as to create an elective or specialized course in higher education."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Sa pagkakaroon ng “Baybayin” bilang elective subject sa kolehiyo at panibagong asignatura sa elementarya at high school, lalo na natin maitatanim ang pagmamahal sa sariling bayan at wika, ang pagiging makabayan at (ang) nasyonalismo sa ating mga kabataan,” sabi ni Nieto sa kanyang sponsorship remarks. 

Bert de Guzman