Nanawagan si House Deputy Speaker at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez nitong Biyernes, Nob. 26 kay Pangulong Rodrigo Duterte na pagayan ang mamamahayag na si Maria Ressa na lumipad sa Osolo, Norway upang matanggap ang kanyang Nobel Peace Prize.
“I am appealing to President Duterte to reverse the stand of the Office of the Solicitor General (OSG) opposing Ms. Ressa’s request to personally receive the Nobel Peace Prize on December 10,” sabi ng Mindanao lawmaker.
Naunang naghain ng oposiyon ang OSG sa Court of Appeals (CA), na siuyang humahawak sa apela ng mamamahayag sa kanyang paghatol sa kasong cyber libel sa harap ng mababang hukuman. Na-tag ng OSG si Ressa bilang isang flight risk.
Nauna nang pinahintulutan ng CA ang Rappler CEO na magtungo sa Amerika upang tuparin ang mga pangako at bisitahin ang kanyang mga magulang sa Florida. Siya ay isang dual citizen bilang isang Filipino-American.
“If the appellate court has allowed her to go to the US, then it should permit her to fly to Oslo to personally receive the Nobel Peace Prize. She is the first Filipino to be honored with such a highly prestigious award,” paliwanag ni Rodriguez.
“Katawa-tawa” umano ang suhestyon ng OSG na dumalo na lang si Ressa sa isang virtual awarding.
“How can an honoree receive such a much-coveted award and savor the honor and prestige virtually thousands of miles away from the ceremonies? She has to be there to enjoy the moment,” sabi ni Rodriguez.
Ipinunto rin ng kongresista ng CDO 2nd District na ang kawalan ni Ressa sa Oslo ay magpapalakas lang sa mga alegasyon na patuloy pa rin siyang inuusig ng Duterte administration.
Iminungkahi ni Rodriguez na dapat sumunod si Ressa sa kondisyon ng CA para sa kanyang biyahe patungo ng US sa pamamagitan ng pagbabalik sa bansa matapos ang itinakdang panahon sa susunod na lingo at agad na mag-ulat sa korte sa kanyang pagdating.
“That will prove the OSG wrong. That will show that she is not a flight risk and does not intend to evade her case,”sabi ng mambabatas.
Hiniling na ni Ressa sa korte na payagan siyang pumunta sa Oslo mula Disyembre 8 hanggang 13 at tumugon naman ang CA dito na pinayagang bumiyahe ang mamamahayag mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 2.
Melvin Sarangay