Nakapagtala ng 863 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH).

Sa datos nitong Biyernes, Nobyembre 26, umabot sa 17,853 ang aktibong kaso. Nirerepresenta nito ang 0.6% na kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa na 2,830,387.

Sa naturang bilang 51.5% ang nakararanas ng mild symptoms, 21.57% ang nasa moderate condition, 14.2% ang mayroong severe condition, 6.1% ang nasa kritikal na kundisyon, at 6.6% ang walang nararamdamang sintomas.

Umakyat sa 48,017 ang death toll matapos makapagtala ng 142 bagong namatay.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayunman, 791 ang mga gumaling sanhi upang umabot sa 2,764,517 o 97.7% ng kabuuang kaso.

Samantala, tiniyak ng DOH na nagpapataw ng mahigpit ng border control ang pamahalaan sa gitna ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ilang bansa sa Europa.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang ginagamit na metrics para sa border control ay base sa World Health Organization (WHO).

“Meron naman tayong ginagamit na classification system na in-adopt natin from the CDC (Centers for Disease Control and Prevention) and recognized by the WHO kung saan we have classified according to the risk level of each country, ito yung green, yellow, and red countries,” aniya.

“For these different countries or classifications, we have different safeguards or protocols that will help ensure that we maintain control of our borders,” dagdag pa niya.

Bukod sa border controls, quarantine, testing, at mandatory vaccination, sinabi ni Vergeire na mayroon ding mga hakbang para sa mga incoming travelers.

“We have another layer in our protocol, wherein they have to self monitor and local governments are mandated to monitor also all of these individuals who are coming home to their communities,” ani Vergeire.

Ang Pilipinas ay nagpapatupad ng isang coutry risk classification scheme na kung saan ang mga bansang naka-tag bilang "red" ay kinukonsidera bilang high rish para sa COVID-19 batay sa incidence rate at bilang ng kaso. Ang "yellow" naman ay moderate, habang "green" classification ay low-risk sa COVID-19.

Analou de Vera