Hinikayat ng Caritas Philippines ang publiko na suportahan ang tatlong araw na national vaccination program ng gobyerno at sinabing makatutulong ito sa pagsugpo sa mga negatibong epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang iba’t ibang hakbang laban sa COVID-19 na ipinatutupad ng national government, sabi ni Caritas Philippinjes head Bishop Jose Colin Bagaforo.
“Since January, the CBCP supported the call of the government for a whole-of-society approach to curb the effects of the global pandemic in our country – getting vaccination has been one of our strongest appeals,” sabi ni Bagaforo sa isang pahayag nitong Biyernes, Nob. 26.
Magpapatuloy ang pakikipagtulungan ng Caritas Philippine sa mga health authorities at pribadong sektor para mapataas ang pagbabakuna sa bansa, ani Caritas Philippines Executive Secretary Fr. Tony Labiao.
“Aside from opening our facilities as vaccination areas, the church volunteers and other resources were offered to the Department of Health and the local government units in full support of the program. We will continue to do so until all is done with our vaccination program,”sabi niya.
Nakatakdang umarangkada ang national vaccination program ng gobyerno mula Nob. 29 hanggang Dis. 1.
Sinabi ni National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr. na nasa 15 milyong Pilipino ang inaasahang makikiisa sa programa.
Analou de Vera