Inulan ng papuri ang isang binata mula sa Antipolo, Rizal, matapos gawan nito ang kanyang kasintahan ng isang Cascading Style Sheets (CSS) portrait.

Larawan: Jade Coronel

Sa Facebook post ni Jade Coronel, ipinakita nito ang husay at paghanga nito sa kanyang kasintahan na si Gale Obias.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Ginamit ni Coronel ang lyrics ng kantang 'Bawat Piyesa' ng Filipino indie folk band na Munimuni.

"Ang bawat piyesa na bumubuo sa 'yo. Bawat piyesang nawa'y mapasaakin habang-buhay."

Ayon naman kay Coronel, hindi siya tumatanggap ng komisyon para gumawa ng CSS portrait.

Dagdag pa niya, handa naman siya magturo kung paano gawin ang ginawa niyang CSS portrait.

Aniya, "A lot of you might think and say mahirap to or madali lang to gawin. I have nothing to do with that and I'm glad some of you nagbibigay ng sources to do this thing. Keep it up. After all, the intent of this post is to show how much I admire my gf. Yun lang hehe."

"I'm not accepting commissions. I'd rather teach everyone kung paano to gawin," dagdag pa no Coronel.