Dapat sustinido ang paninindigan ng gobyerno sa paggit ng exclusive economic zone ng bansa sa West Philippine Sea, paghimok ng isang senatorial aspirant nitong Biyernes, Nob. 26 habang sinabing mahirap umasa sa hindi magkatugmang paninindigan ng Pangulo.

Ito ang panibagong panawagan ni senatorial candidate at human rights lawyer na si Jose Manuel “Chel” Diokno matapos punahin ni Pangulong Duterte ang paggamit ng China ng water cannon para pigilan ang mga bangka ng Pilipinas na maghatid ng mga suplay ng pagkain sa mga sundalong Pilipino na nakatalaga sa Ayungin Shoal.

“One of the problems is nag-iiba-iba kasi iyong sinasabi niya. Kung minsan ay parang dinidepensahan niya ang China. Ngayon naman, parang baliktad at mas malakas ang sinabi niya,” ani Diokno sa pinakahuling pahayag ng Pangulo.

“It’s difficult to know what will come out next from the mouth of the President. Hindi lang naman dito sa isyu ng West Philippine Sea kundi sa iba’t ibang isyu. Isang araw, ganito ang sasabihin niya, sa susunod baliktad naman, kaya mahirap asahan,” dagdag niya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Aniya pa, dapat pinaninindigan ng bansa ang 2016 arbitral award at international ruling sa paggigiit ng EEZ dahil ang teritoryo ay mahalaga sa food security ng bansa.

Sinabi ni Diokno na a nais ng mga tao na magkaroon ng pare-parehong patakaran ang gobyerno sa WPS dahil mahalaga ito sa food security at soberanya ng bansa.

“Dapat consistent ang ating government pagdating sa isyu na iyan kasi klarong-klaro na atin iyan. Kaya dapat ipaglaban natin iyan,” dagdag niya.

Binigyang-diin ng human rights lawyer ang naunang panawagan sa gobyerno sa isang multilateral agreement sa mga karatig bansa na may interes din sa pinag-aagawang teritoryo.

Betheena Unite