Arestado ang limang kalalakihan matapos masamsam ng operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang nagkakahalagang P240,000 dried marijuana leaves sa isang buy-bust operation sa North Fairview Park Subdivision ng Bgy, North Fairview Quezon City.

Kinilala ng Fairview Police Station (PS 5) Station commander Police Lt. Col. Joewie Lucas ang mga suspek na sina Iverson Lagundi alias “Babe”, 19; Randel Selario, 19; John Paul Fernandez, 22; Norman de Guzman, 24; at Earl John Lendio, 21.

Ayon sa police report, kinasa ang buy-bust operation ng PS 5 at ng Criminal Investigation and Detection Group of Quezon City District Field Unit (CIDG-QCDFU) dakong 6:10 ng gabi.

Narekober sa mga suspek ang dalawang kilo ng dried marijuana leaves, isang cellular phone, isang .38 caliber revolver na mayroong anim na pirasong live ammunition, dalawang ecobags, isang green belt bag, isang blue sling bag, at buy-bust money.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sinabi Lagundi, Selario, Fernandez, De Guzman, at Lendio.

Ang mga ebidensya naman ay isusumite sa QCPD Crime Laboratory Office para sa forensic examination.

Allysa Nievera