Aabot sa kabuuang ₱54,570,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam sa dalawang suspek sa Taguig City, nitong Nobyembre 25.

Kinilala ni Southern Police District chief Brig. General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Marisa Asi y Omar, 34, at Muslimin Kamid y Taudil, 32, kapwa residente sa Barangay Maharlika, Taguig City.

Sa ulat ng SPD, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng District Drug Operations Unit sa Block 128 Lot 4, Brgy. Maharlika, Taguig City dakong 11:15 ng gabi ng Huwebes.

Narekober sa mga suspek ang walong kilo ng umano'y shabu, marked money at pouch.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Dinala ang mga suspek sa tanggapan ng SPD DDEU para sa documentation at pagsasampa ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

"May this result of operation deliver a stern warning to those who continue doing illegal drug transactions in our AOR, wala kayong lugar sa Taguig o saan mang parte ng Southern Metro, mahuhuli at mahuhuli namin kayo," ani BGen Macaraeg. 

 

Bella Gamotea