CAVITE - Umapela si presidential aspirant Vice President Leni Robredo nitongNobyembre 25, sa Commission on Elections (Comelec) na maging patas sa pakikitungo sa lahat ng kandidato sa 2022 national elections.

Ito ay nang ibasura ng Comelec nitong Huwebes angisang mosyon na humihiling na bawiin ang ibinigay na limang araw na palugit sa kampo ni dating Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr upang sagutin ang petisyongnagpapakanselasa kandidatura nito sa pagka-pangulo.

Katwiran ni Robredo, dapat subaybayan ng publiko ang usapin dahil patuloy itong bumabalot sa halalan hangga't hindi pa nailalabas ang resolusyon sa usapin.

“Pero parati naman nating pinaglalaban na sana pantay iyong pag-treat natin sa lahat. Kung ano iyong extension na binibigay, hindi lang dito sa isyung ito, pero kung ano iyong privileges na binibigay sa isang kandidato, dapat sa iba ganoon din," paliwanag ng bise presidente.

Probinsya

Lalaki sa Davao, inatake at sinakal ang 19-anyos na babae na kapuwa pasahero sa jeep

Aminado rin si Robredo na hinihintay din niya ang magiging desisyon ng Comelec dahil marami ang nagdedebate sa usapin. Binigyang-diin din nito na kailangang maging mapagmatyag ang publiko sa anumang pagtatangka ng ahensya na "patagalin" pa ang usapin.

Matatandaang pinayagan ng Comelec ang apela ng kampo ni Marcos na bigyan sila ng karagdagan pang limang araw mula Nobyembre 17 upang makapagsumiteng kanilang tugon sa petisyong humihiling na ikansela ang certificate of candidacy nito.

Nauna nang inihayag ng mga eksperto na ang ginawang pagpapalawig ay labag sa alituntunin ng Comelec.

Raymund Antonio