Wala pa ring magaganap na Traslacion sa darating na kapistahan ng Mahal na itim na Nazareno sa Enero 9, 2022.
Ito ang inihayag ni PLTCOL John Guiagui, station commander ng Manila Police District (MPD)-Sta. Cruz Police Station 3 (PS-3), matapos ang ginawang pakikipagpulong sa mga lider ng MinorBasilica ng Quiapo, bilang paghahanda sa kapistahan ng Poon ng Itim na Nazareno.
Nabatid rin na ang ipatutupad na plano sa kapistahan ng Itim na Nazareno ay katulad rin nang ginawa noong Enero 9, 2021 dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Wala pa rin umanong pahalik na gagawin sa Quirino Grandstand ngunit magkakaroon ng "Padungaw" sa Sta. Cruz Church.
Ayon naman kay Guiagui, dahil walang magaganap na traslacion, tiyak na maraming misa ang magaganap dahil na rin sa mas maluwag nang Alert Level na ipinaiiral sa Metro Manila.
Matatandaang hindi nagdaos ng Traslacion ng Poong Nazareno noong Enero 9 upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Mary Ann Santiago