Negatibo sa ilegal na droga si Presidential candidate at Manila Mayor Francisco "isko Moreno" Domagoso matapos sumailalim sa drug testing nitong Huwebes, Nobyembre 25.

Sumailalim sa drug test si Domagoso at ang kanyang running mate na si Doc Willie Ong sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) National Headquarters sa Quezon City nitong Huwebes.

“I have never been into drugs, maski solvent o ano pa. I have nothing to hide,” ani Moreno.

“Tama naman yung mga tao, pag ikaw ay president at ikaw ay drug-user, how can you fight against drugs?” dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Noong Miyerkules, Nob. 24, sinabi ng Aksyon Demokratiko senatorial slate na sasailalim din sila sa drug testing upang patunayan ang kanilang taos-pusong intensyon na mapaglingkuran ang publiko.

Matatandaang isinawalat ni Pangulong Duterte na may isang presidential aspirant ang gumagamit ng cocaine.

Samantala, sumailalim sa voluntary drug testing sina Senador Panfilo M. Lacson at dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. upang mapatunayan na sila ay drug free.