Sapat pa rin ang suplay ng karneng baboy sa bansa ngayong Kapaskuhan sa kabila ng pagtama ng Asian Swine Fever (ASF) sa Negros Oriental, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Paliwanag ni Bureau of Animal Industry (BAI)-Negros Oriental quarantine officer Alfonso Tundag nitong Miyerkules, patuloy pa rin ang pagsusuplay ng mga magbababoy sa iba pang lalawigan.

Idinahilan nito, mula 25,000 hanggang 35,000 baboy ang isinu-supply ng mga magbababoy sa iba't ibang probinsya.

Gayunman, sinabi nito na marami pa ring lugar ang hindi nagpapasok ng mga produktong baboy mula sa mga lugar na apektado ng ASF.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Unti-unti rin aniyang tumataas ang presyo ng baboy sa naturang probinsya, mula₱130 hanggang₱140 bawat kilo matapos maapektuhan ng pandemya.

Paglilinaw pa ng opisyal, walang ipinatutupad na paghihigpit ang lalawigan at iba pang probinsya sa Central Visayas sa pagpasok ng mga baboy at produkto mula sa mga lugar na naapektuhan ng sakit.