Marami ang mga nawindang sa presyo ng VVIP ticket ng grupong Ex Batallion para sa kanilang digital concert na Evoluxion.

Bagama't ₱300 ang halaga ng pinakamura, umabot naman sa ₱35,000 ang pinakamahal! Tanong ng mga netizen, la-level ba nila ang sikat na sikat na K-Pop group na BTS?

Ex Battalion to hold first major concert on Dec. 11, ticket costs  P300-P35,000 – Manila Bulletin
Ex Batallion/Larawan mula sa Manila Bulletin

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Mukhang kibit-balikat lang dito ang concert producer na si RS Francisco dahil para sa kaniya, kasinsikat ng BTS ang Ex Batallion.

“Of course, alam natin na hindi sila K-Pop, pero ang equivalent nila, sila ang talagang hip-hop stars na parang BTS na rin ang datingan nila," pahayag ni Francisco sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP.

Naranasan umano niya mismo ang kasikatan ng Ex Batallion sa social media. Maraming mga netizen pa nga raw ang nagpapalada ng PM o private message sa kaniya upang mag-inquire.

"As in ang dami na talaga na ang grabe ng clamor sa kanila. So masasabi ko na hindi man sila K-pop, pero parang kapantay na nilang talaga ang ano ng BTS, dagdag pa ng concert producer.

Ang mga miyembro ng Ex Batallion o EXB na mapapanood sa naturang digital concert ay sina Honcho, Skusta Clee, Flow-G, King Badger, Emcee Rhenn, Brando, Jroa, Yuridope, Kekkpot, Huddasss, Jnskie, Bullet-D, Cent, at E.I.J.

Ex Battalion to hold first major concert on Dec. 11, ticket costs  P300-P35,000 – Manila Bulletin
Ex Batallion/Larawan mula sa Manila Bulletin

Sey pa ni Francisco, ang inaalala nila ay ang magiging audience nila. Sanay raw kasi ang EXB na mag-perform sa harap ng malaking audience, at since digital concert nga ito, mahigpit ang paalala niya sa kanila na isipin nilang marami ang nanonood sa kanila, kaya kailangan pa rin nilang galingan.

Noong 2019 kasi, nasa 55,000 katao ang naging bilang ng kanilang mga manonoood na dumalo sa live concert sa Smart Araneta Coliseum.

Gusto raw niyang mapasaya talaga ang mga tagahanga ng EXB lalo na sa panahon ng pandemya na maraming nalulungkot at maraming naaapektuhan. Kagaya niya.

Kaya ang ginagawa niya raw, nagpapatugtog siya ng mga awitin ng EXB at kumakalma na siya. Kaya naisip niya, kung magkakaroon ng online concert ang grupo, ganoon din ang magiging epekto nito sa mga tao.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen hinggil sa presyuhan ng ticket sa digital concert ng EXB:

"Myghad yung presyo ng VIP ticket ng Ex Battalion mga nasa ₱20k-35k. At may manonood ba talaga niyan? For sure wala namang bibili ng VIP ticket kasi kakaunti lang naman ang fans at mahal. Mas oks pa na mag solo nalang si Skusta Clee tutal naabot naman sa 100m views mga songs niya."

"Kaloka ung P20k and P35k online concert ng Ex Batallion. Yung ticket ko for BTS $235 plus processing fee malapit na sa stage. KAPE!” saad ng isang netizen."

"Kabahan na kayo SB19 at BGYO! Ex Batallion pala ang katapat ng BTS sa Pinas eh."

"Payag kayo guys? EXB daw ang pantapat sa BTS?"

BTS to drop 'Dynamite' worldwide – Manila Bulletin
BTS/Larawan mula sa Manila Bulletin

Ano nga ba ang inclusion kapag worth ₱35,000 ang biniling ticket ng isang viewer?

Maliban umano sa online concert, magbibigay din ng pagbati ang Ex Battalion sa Zoom, may 'inside kwento,' at may signed poster pang kasama. May exclusive access din sa listening party na may kasamang pa-cocktails.

Magaganap ang naturang digital concert ng Ex Battalion sa December 11 sa Araneta Coliseum, with live streaming sa ktx.ph., at hatid naman ng Frontrow.