Bumilib daw nang husto ang premyadong direktor na si Chito S. Roño sa audition ni Janella Salvador bilang 'Valentina' sa much-anticipated TV adaptation ng 'Mars Ravelo's Darna' na mapapanood na sa 2022, sa Kapamilya Network.

Ayon sa pahayag ng direktor, moderno at kakaibang Valentina raw ang ipakikita nila rito.

“We’re modernizing Valentina. Totally kakaiba sa dating Valentina!”

“I haven't really seen her (Janella Salvador) that much except for when she auditioned and I was kinda impressed. Hindi ako na-disappoint sa audition niya," pagbabahagi ng direktor.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“I think she would do justice to the character of Valentina. Janella would not only be capable but also interesting to do that different kind of character.”

Matatandaang noong Biyernes, Nobyembre 19, trending topic ang #ValentinaReveal kung saan si Janella nga ang ipinakilalang magiging kontrabida sa buhay ni Jane De Leon, na gaganap naman bilang Narda/Darna.

Marami ang nagulat dahil tila malayo raw ito sa imahe ni Janella dahil sanay ang mga tao sa kaniyang mga mababait na role, ngunit nakumbinsi naman ang mga tao kalaunan, dahil naging mahusay umano si Janella sa teleseryeng 'The Killer Bride' kung saan umarte siyang parang sinasaniban ng kaluluwa ni Camila, na ginampanan naman ng isa pang mahusay na Salvador na si Maja. Kering-keri naman daw ang panibagong flavor at karakter na nais ipakita para kay Valentina.

"First of all, I am very, very honored to be chosen among the many actresses who auditioned for this role. I am sure they are equally as amazing and I would like to take this opportunity to thank Chito Roño and ABS-CBN for giving me the opportunity to portray this iconic role. I promise to live up to everyone's expectations but also make it my own," mensahe ni Janella.

Bongga nga kung tutuusin ang comeback project ni Janella matapos ang hiatus niya ng halos isang taon, matapos maisilang ang anak nila ng boyfriend na si Markus Paterson. Si Markus naman, umaalagwa na rin ang showbiz career dahil kabilang siya sa kasisimula pa lamang na teleseryeng 'The Viral Scandal' na umaani rin ng maraming mga papuri.

Si Janella ay tinaguriang 'Princess of Philippines Television' sa 2020 Box Office Entertainment Awards dahil sa kaniyang pagganap sa The Killer Bride.