Nais ng Department of Transportation (DOTr) na maisama na sa popular real-time navigation app na Google Maps ang mga bike lane routes sa Pilipinas.

Ayon kay Transport Secretary Art Tugade, nakikipag-ugnayan na ang DOTr sa Google at hiniling na maisama ang mga ruta ng bike lane sa Pilipinas sa kanilang dashboard upang matulungan ang mga siklista sa kanilang daily commutes.

“This will be a very good innovation for Google Maps considering that many Filipinos now are riding bikes as their main mode of transportation which brings significant health and environmental benefits especially amid the pandemic,” pahayag pa ni Tugade.

Idinagdag niya na ang DOTr ay naghihintay pa sa pag-apruba ng Google ngunit kumpiyansa aniya siya na mapagbibigyan ng tech giant ang kanilang kahilingan, dahil ito’y tagasuporta rin ng active transport.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We have asked Google to consider this suggestion top priority considering the increasing number of Filipino cyclists. We are confident that we can win their support on this,” ani Tugade.

Nabatid na nakumpleto na ng DOTr ang kanilang 500-kilometer bike lane network sa mga metropolitan cities sa buong bansa.

Kabilang sa bike lane network ang Metro Manila (313.12 kilometers), Metro Cebu (129.47 kilometers), at Metro Davao (54.74 kilometers).

Ang mga naturang bike lanes ay mayroong pavement markings, physical separators, solar-powered road studs, thermoplastic paints, road signages, at bike racks.

Ang proyekto ay pinondohan ng pamahalaan sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

Mary Ann Santiago