ISABELA - Binuo na ang Provincial Inter-Agency Task Force for the Management of Rice Black Bug (RBB) sa lalawigan upang masolusyunan ang lumalalang problemang pag-atake ng rice black bug o alitangya sa mga palayan at sa mga residente.

Ang paglikha ng task force ay nakapaloob saExecutive Order No. 37 na inilabas niOfficer-in-Charge (OIC)-Governor Faustino Dy III.

Kabilang sa mga lugar na inatake ng alitangya ang Burgos, San Guillermo, San Mateo, Cabatuan, Roxas, Alicia, Aurora, San Manuel, Mallig, San Agustin at Cauayan City.

Isa sa paraan upang makontrol o mabawasan ang pinsala na dulot ng nasabing mga insekto ay ang paggamit ng light trapping technology at biological control agents na Metharizum anisopliae at iba pang insecticide o pesticide.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Liezle Basa Iñigo