Nahigitan pa ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang sarili nitong rekord nang iulat nitong Martes, Nob. 23 ang pinakamababang bilang ng COVID-19 active cases sa lungsod.

Mula Nob. 23, nakapagtala na lang ang lungsod ng 14 active COVID-19 cases.

“Wish granted. We’ve prayed and worked hard for our numbers to go down. This shows that all our efforts and sacrifices have born fruit,” sabi ni Mayor Toby Tiangco.

“We cannot thank enough all our frontliners for their steadfast service to the city, and every Navoteño for doing their part in preventing the spread of COVID. Let us continue to keep each other safe by following the health protocols and getting ourselves vaccinated,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ayon sa City Health Office, nakatanggap sila ng 108 swab test results mula sa Philippine Red Cross at lahat ay lumabas na negatibo sa virus.

Sinimulan ng pamahalaang lungsod ang pagbibigay ng mga booster shot sa mga senior citizen at mga indibidwal na may comorbidities nitong Miyerkules, Nob. 24.

Ang mga residente ng lungsod na nais magpabukana ay maaring mag-set ng vaccination appointment sa https://covax.navotas.gov.ph/.

Nitong Nob. 3, nakapagtala ang lungsod ng nasa 31 kaso ng COVID-19, mas mababa sa 33 kasong naiulat noong Peb. 6.

Allysa Nievera