Handang bigyan ng gobyerno ng Pilipinas ang International Criminal Court (ICC) ng impormasyon sakaling hilingin nito sa pag-iimbestiga ng umano’y pang-aabuso ng mga alagad ng batas sa mga operasyon laban sa ilegal na droga, sabi ni Department of Justice Secretary (DOJ) Menardo Guevarra.

Ito ang tiniyak ni Guevarra nitong Miyerkules, Nob. 24, matapos tanungin ni ICC Prosecutor Karim Ahmad Khan ang patunay ng imbestigasyon ng gobyerno ng Pilipinas, kabilang na ang mga pagpatay umano sa mga drug suspects.

“If requested by the ICC and authorized by the Philippine government, the DOJ will provide such information as may be needed,”sabi ni Guevarra.

Sa ngayon, nakatutok ang DOJ sa sarili nitong imbestigasyon, sabi ng Kalihim.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Matatandaang pinagbigyan ni Khan ang kahilingan ng gobyerno ng Pilipinas na suspindihin ang imbestigasyon sa mga umano’y crimes against humanity na dulot ng mga operasyon ng puwersa ng gobyerno laban sa ilegal na kalakalan ng droga.

Ngunit sinabi ni Khan na dapat magbigay ng pruweba ang gobyerno ng Pilipinas alinsunod sa Rome Statue na lumikha ng ICC.

“The Office of the Prosecutor takes the view that a State requesting deferral under Article 18(2) of the Rome Statute must provide information concerning its investigations to support its request. Such information must consist of tangible evidence, of probative value and a sufficient degree of specificity, demonstrating that concrete and progressive investigative steps have been or are currently being undertaken to ascertain the responsibility of persons for alleged conduct falling within the scope of the authorized ICC investigation.

“The Office of the Prosecutor also takes the view that a deferral may have a specific or partial effect, rather than a blanket or general effect, on its investigation. Information on national investigations and proceedings therefore informs the Office’s assessment of the precise parameters of any deferral. Additionally, any domestic proceedings must be conducted genuinely as required by the Statute,”pahayag ng ICC.

Nirepaso na ng DOJ ang 52 kaso na kinasasangkutan ng pagkamatay ng 56 katao sa operasyon ng ilegal na droga na isinagawa ng mga pulisya.

Inatasan ni Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng case buildup laban sa 154 na pulis na iniulat na sangkot sa 52 kaso.

Kalaunan, nilagdaan ng NBI at Philippine National Police (PNP) ang isang memorandum of agreement para sa joint probe ng illegal drugs operations, partikular ang mga nagresulta sa pagkamatay ng mga suspek at iba pang indibidwal.

Jeffrey Damicog