Marami sa mga netizen ang nagtaas ng kilay nang mapanood ang pag-ere ng campaign advertisement ni Congressman Rodante Marcoleta sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live, nitong Nobyembre 23.

Matatandaang isa si Marcoleta sa mga nagsulong na kongresista at nanggisa sa mga boss ng ABS-CBN, sa kasagsagan ng pagdinig ng franchise renewal nito noong 2020.

Kumakandidato si Marcoleta sa pagka-senador sa darating na halalan 2022.

Marcoleta slammed for placing political ads on ABS-CBN after pushing for network's shutdown

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizen:

"Ang tanong, bakit pumayag ang management ng ABS-CBN na makapaglagay ng ads si Marcoleta, gayong hindi naman lingid sa kanila yung naging issue about franchise ng TV station?"

"Right after airing Marcoleta's ad, air a message reminding viewers that your network was closed down by politicians."

"Bullshit about you're making a shutdown for ABS-CBN last year Mr. Marcoleta what thinking about you airing on Kapamilya Channel because how very-very I'm angry I don't really like you you know if I want to challenge you shut up."

"Irony of the day: a Marcoleta advertisement in ABS-CBN."

"Guys, if ever na makita n 'yo tong ads na ito, huwag kayo magalit sa ABS-CBN kasi nagko-comply lang sila sa batas."

"We have two silver linings here: (1) ABS earned from the ad and (2) people will become reminded of what he did to the network so they can avoid voting for him next year. I hope the latter will work."

"This only proves na ina-acknowledge talaga ni Marcoleta na malaki talaga ang reach ng ABS-CBN maski with or without the franchise."

Samantala, nagsalita rin hinggil dito ang award-winning writer ng ABS-CBN na si Jerry Gracio.

"Ipinasara nila ang network, pero nasa Kapamilya Channel. Kapamilya, huwag ninyong iboboto ang mga politiko na makakapal ang mukha," aniya.

Screengrab mula sa Twitter/Jerry Gracio

Screengrab mula sa Twitter/Jerry Gracio

"Akala ko ba may nilabag na batas ang Kapamilya Network kaya pinasara nina Marcoleta. Bakit may pa-ad siya?"

May isang netizen naman ang nagsabing nakasaad talaga sa panuntunan ng Fair Election Act o Republic Act 9006, na matatagpuan sa section 6, na ang mga kandidato ay may 'Equal Access to Media Time and Space'.

Image
Screengrab mula sa RA 9006