Hindi papayagan ni Presidential candidate at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang sinumang miyembro ng kanyang pamilya na pasukin ang mundo ng politika.

Sa isang panayam sa DZMM Teleradyo nitong Miyerkules, Nob. 24, sinabi ni Domagoso na tutol siya sa pagtakbo ng kanyang pamilya sa anumang posisyon sa gobyerno.

“Modesty aside, hindi ko talaga sila pinapayagan. For the past 20 years, walang kasaling anak ko o asawa ko sa gobyerno whether by appointment or appointee or elected. Hindi talaga,” sabi ng alkalde.

“Delikadesa, nahihiya [ako]. Kung gusto nila, pag tapos ko, wala na ako sa gobyerno. (Kung) Gusto nila, kumuha sila ng mandato sa tao,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya pa, nais niyang makakita ng bagong hanay ng mga lider na maumuno sa bansa.

“Nahihiya ako sa ibang tao. We don’t have the monopoly of knowledge to govern,” ani Domagoso.

Sakaling magpasya ang sinumang sa miyembro ng kanilang pamilya na tumakbo sa hinaharap, sinabi ni Domagoso na nais niyang gumawa sila ng kanilang sariling pangalan at pumili ng kanilang sariling larangan.

“Kung ako ay naging mabuti o eh di aalalahanin naman siguro ng tao yung mga nagawa ko.”

Jaleen Ramos