"Serbisyo at Pagmamahal, Bumubusog sa Mag-aaral"

Ibinahagi sa Facebook page ng Department of Education o DepEd Philippines ang kuwento ng gurong si Teacher Maria Benzil M. Romero, na naglunsad ng kaniyang Project SALAD o ang Project Serve Abundant Love A Day, upang patuloy umanong paunlarin ang feeding program ng San Rafael (BBH) Elementary School sa SDO San Jose Del Monte City, Bulacan.

Layunin ng proyektong ito na maghatid sa mga mag-aaral ng masagana, masustansiya, masarap at espesyal na pagkain, katulad ng isang salad. Mga pagkaing hindi lamang tiyan umano ang binubusog ngunit pati ang puso nila.

Ayon sa DepEd Philippines, kahit may pandemya, tiniyak ng guro na magiging ligtas at maayos ang pamamahagi ng Project SALAD sa mga mag-aaral at magulang.

Probinsya

Bagong silang na sanggol, natagpuan sa damuhan

May be an image of 2 people and people standing
Larawan mula sa DepEd Philippines

May be an image of 3 people and food
Larawan mula sa DepEd Philippines

May be an image of 14 people, people standing, food and indoor
Larawan mula sa DepEd Philippines

Inilunsad umano nila ang Project QR Code para sa mas mabilis at contactless na pamamahagi ng mga salad. Para naman sa mga walang available na magulang, nariyan ang Project Kolong-Kolong Express na nagtutungo talaga sa mga bahay-bahay ng mga mag-aaral upang hindi na sila umalis pa ng kanilang mga tahanan.

Nagpapaalala rin sila sa mga magulang na kung kakayanin naman, pakainin nang masusustansyang pagkain ang kanilang mga anak upang lumakas ang mga resistensya nito at may panlaban sa sakit, hindi lamang sa COVID-19, kundi sa iba pang mga karamdamang maaaring dumapo sa kanila.

Dahil umano sa mahusay na school-based feeding program, nakamit nina Teacher at ng kaniyang grupo ang ikatlong puwesto bilang outstanding implementer noong 2018 sa Regional level, at ngayong 2021, sila ang Most Outstanding Implementer of the School-Based Feeding Program sa Rehiyon III at ang delegado nito para sa National Search ng DepEd.

May be an image of 2 people
Maria Benzil M. Romero/Larawa mula sa DepEd Philippines

“I put my heart into everything that I do, be it at home when making healthy food for my family, or in school preparing nutritious lunch for our beneficiaries. I love our pupils, especially the less fortunate ones," ayon sa panayam sa guro.