Kinundena ng isang grupo ng mga mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ang “rampant plunder and destruction of marine resources” ng China na nakaaapekto sa “higit 600,000 mangingisdang Pilipino” sa isang protesta sa Makati City nitong Miyerkules, Nob. 24

Kasama ng Anakpawis Partylist, nagprotesta sa Chinese Consulate sa Makati ang Pamalakaya kasunod ng water cannon incident sa Ayungin Shoal kung saan hinarang ng Chinese Coast Guard at binombahan ng tubig ang mga tropa ng militar sa isang resupply mission.

Giit ng grupo sa protesta, dapat galangin ng China ang karapatan ng mga Pilipino sa malayang paglalayag, lalo na ang pangingisda, sa WPS.

“This protest is a reminder that Filipino fishers refuse to bow down to China’s intimidation and harassment in the West Philippine Sea. It is a continued assertion of our territorial and fishing rights no matter how powerful the foreign intruders are,” sabi ni Bobby Roldan, Pamalakaya Vice Chair for Luzon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa kabilang banda, sinabi ng grupo ng mga mangingisda na hihingi din ito ng international support upang pagbayarin ang China na bayaran ang mga pinsala nito sa yamang dagat at pagsakop nito sa mga sea features sa pinag-aagawang teritoryo.

Habang binabanggit ang datos ng scientists’ group na AGHAM, sinabi ng grupo na hindi bababa sa P1.3 trilyon ang nalulugi sa bansa kada taon dahil sa pagkasira ng 16,000 ektarya ng mga coral reef dulot ng reclamation at illegal poaching sa katubigan ng WPS.

“China should be compelled to pay for damaged reefs caused by its aggression and plunder, as well as make them pay back rent for the years of illegal occupation of sea features in our exclusive territory. The government’s cowardice and lack of political will to do so won’t stop us Filipino fishers from standing up against China or to any other foreign invaders,”sabi ni Roldan.

Dhel Nazario