Susugpuin "through love" ng tandem nina Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at Vice Presidential aspirant Inday Sara Duterte-Carpio ang ilegal na kalakalan ng droga sa bansa.

“The war on drugs shall be pursued and won through love,” sabi ng BBM-Sara Uniteam kaugnay ng programa nila laban sa droga sakaling mahalal sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bayan sa Halalan 2022.

“Naging matagumpay ang kampanya ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot, ipagpapatuloy natin ito at sasangkapan natin ng puso ang pagpuksa sa salot ng lipunan na ito,’ sabi ng BBM-Sara Uniteam sa isang pahayag nitong Martes, Nob. 23.

“Sinimulan na ni Pangulong Duterte, atin na lamang i-e-enhance ang programa, kinakailangang magtayo ng marami pang rehabilitation center, magdagdag ng mga professional na mag-aaruga sa mga biktima na ituturing nating mga pasyente, bibigyan ng pagkakaabalahan, pwedeng hanapbuhay katulad ng handicrafts habang nasa proseso ng rehabilitasyon hanggang maiahon at maipanalo natin sila laban sa napakasamang bisyong ito.” Naniniwala rin sila na nakaugat sa sektor ng kalusugan, ekonomiya at pagsasatupad ng mga batas ang paglaganap ng ilegal na droga.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“The proliferation of illegal drugs is a law enforcement, economic and health concern,” ani BBM-Sara Uniteam.

Sinabi ng BBM-Sara Uniteam na ang pagbebenta ng iligal na droga, lalo na ang shabu, ay isang kumikitang negosyo ngayon na ang ilang gramo ng shabu ay katumbas ng isang gramo ng ginto na maaaring minahin ng hanggang isang linggo sa mga mining sites.

“Sa mining site isang linggo bago maka-harvest ng isang gramo ng ginto, samantalang ang shabu saglit lang sa kalye pera na. That’s the reason why after five years of aggressive campaigns against illegal drugs, the problem still persists. Every day, we read news reports of so-called ‘buy-bust’ operations by the police resulting in the arrest or neutralization of drug suspects and the confiscation of varying quantities of illegal drugs,” dagdag nila.

“This tells us that the problem of illegal drugs is likely to persist for as long as the drug trade is a lucrative or profitable enterprise despite the inherent danger of arrest or even death in the hands of law enforcers.”

Pagpupunto nila, bukod sa pagpapaigting sa pagbabantay sa mga daungan para sa posibleng pagpasok ng ilegal na droga, dapat din tiyakin ng gobyerno na ang bawat Pilipino ay magkakaroon ng trabaho na makapagbibigay sa kanila ng disenteng pamumuhay upang hindi sila madaling masilaw sa ilegal na kalakalan ng droga.

“Hindi tuluyang masusugpo ang illegal na droga kung mayroon tayong mga pulis na kasabwat ng mga druglord sa ilegal na negosyong ito, samantalang ang mga nagagamit na drug mule at small-time pusher naman ay mga kaawa-awa nating mga kababayan na lugmok sa kahirapan at ang mga drug dependent naman ay mga taong maaari pa nating gamutin sa mga rehabilitation center o maituwid sa pamamagitan ng ating penal system.”

Layon din ng BBM-Sara na patuloy na linisin ang kapulisan.

Melvin Sarangay