Sa bagong video na inilabas ni Bise Presidente Leni Robredo, kasama ang kanyang ka-tandem na si Senador Francis "Kiko" Pangilinan, sa kanyang social media accounts, idinaan nila sa tawanan at kwentuhan ang kanilang mga 'pinkiusap' para ngayong Miyerkules, Nobyembre 24.

Ani Pangilinan, ang tawanan ay kasama sa pagmamahalan.

"At kami, tayo po, araw-araw sa nakikita naming pagkukusa po ninyo, napapangiti rin kami dahil ramdam namin ang pagmamahal ninyong mga kakampink at ng ating mga kababayan," ani Pangilinan.

Una nang pinkiusap ng dalawa ang pagpapakita ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagbibiro.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Talagang hindi biro ang magmahal, pero pwede nating ipakita ang pagmamahal sa pagbibiro. Sa paglalagay ng ngiti sa mukha ng kapwa natin," ani Robredo.

Hinikayat naman nila ang publiko na magdala ng tuwa at kasiyahan sa kapwa.

Sinundan ito ng panibagong pinkusap ni Robredo para sa mga anak.

"Pangitiin ang mga magulang ninyo. Kayo naman ang mag-joke. Ipagluto sila ng paboritong pagkain. Sabihin nang diretso, 'Mahal natin sila.'"

Ayon naman kay Pangilinan, maaari rin, i-video ang reaction ng mahal sa buhay at i-upload gamit ang hashtag na #KakampinkWednesdays para mapanuod at ma-enjoy ng lahat.

Matatandaan na simulan ng tandem na Robredo at Pangilinan ang kampanyang pagsusuot ng 'pink' tuwing Miyerkules.