Isa si 'real-life Darna' Angel Locsin sa mga nagkomentong celebrity hinggil sa kasong isinampa sa founder ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name na si Pastor Apollo Quiboloy sa USA, na may kinalaman sa sex trafficking.

Batay kasi sa ulat, hindi lang si Quiboloy ang sinampahan ng kaso kundi ang iba pa niyang mga kasamahan sa itinatag na samahang panrelihiyon. Kumukuha umano sila ng mga tagasilbing menor de edad na babae sa kanilang panambahan, na kanila rin umanong inuutusang magmasahe sa kanila, o makipagtalik.

Buwelta ni Angel, “Minor = Rape. Sana maprotektahan agad yung mga naglakas loob na magsalita.”

Bagama't marami ang nakiayon sa kaniya, hindi pa rin talaga maiiwasang may mga 'basag-trip' na bashers na 'Marites' at inungkat pa ang isang chismis na wala naman umanong batayan.

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

Akusa ng Marites na basher, “@therealangellocsin Ay wow. Malinis ka? Eh 'di ba ikaw yung tumatakas sa taping dati sa GMA para makipagkita sa dyowa mo at makipagdyugdyugan? Tanong pa natin si Valerie Concepcion.”

Agad naman itong sinupalpal ni Angel.

“Huy huwag kang mag-imbento ng issue para may pagtakpan. Tag ko pa si @v_concepcion o. Hindi ko ikamamatay 'yang chismis mo, magdasal ka.”

To the rescue naman si Valerie Concepcion na dinawit pa ng naturang Marites na basher. Siya mismo ang nagpatunay na walang batayan at akusasyon lamang ang chismis na ipinost nito. Payo niya sa kaibigan, huwag na lamang patulan ang naturang netizen na halata namang troll umano. 'Mema' lamang daw ito o walang magawa sa buhay.

"Naku mare @therealangellocsin. Obvious na troll lang yan. Huwag mo na lang pansinin. Ang layo sa issue ng comment eh. Mema lang."

Bukod kay Angel, isa pa sa mga celebrity na matapang at direktang nagkomento tungkol sa kaso ni Quiboloy ay si Kapamilya heartthrob at King of Hearts na si Daniel Padilla.

“Isa-isa nang tinatawag ni Satanas," aniya.