Dumating na sa bansa ang unang trainset ng Philippine National Railways (PNR), ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Dumating noong Linggo, Nob. 21, sa Port of Manila ang eight-car trainset para sa PNR Clark Phase 1, na binili ng DOTr mula sa Japan Transport Engineering Company and Sumitomo Corporation.

Ayon sa DOTr, sa susunod na buwan ang nakatakdang iskedyul ng pagdedeliver ng trainset sa PNR Malanday Depot sa Valenzuela pagkatapos ng customs clearance.

Samantala, inaasahan ang pagdating ng ikalawang trainset sa Pilipinas sa second quarter ng 2022.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang 38 kilometrong PNR Clark Phase 1 ay isa sa mga tatlong bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project (Malolos-Tutuban) ng DOTr na naglalayong ikonekta ang Central Luzon, Metro Manila, at CALABARZON sa pamamagitan ng tren.

Ang PNR North 1, na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), ay mayroong 10 estasyon na tatawid sa lungsod ng Maynila, Caloocan, Valenzuela, at mga munisipalidad ng Meycuayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, at Malolos, Bulacan.

Sa oras na matapos, inaasahan na magsisilbi ito sa 300,000 na pasahero araw-araw at mababawasan ang oras ng biyahe simula Malolos, Bulacan hanggang Tutuban sa Maynila mula 1.5 na oras magiging hanggang 35 na minuto nalang.

Alexandria San Juan