PANGASINAN - Dinadayo na ang world-class na bikers' den sa San Fabian kasabay na rin ng pagluwag ng quarantine restrictions sa bansa matapos itong ilunsad ng Department of Tourism (DOT) kamakailan.

'"May you find the one in Region 1," ito ang tema ng proyektong Bike Trail Tourism ng DOT na dinumog kaagad ng mga mahihilig pumadyak mula sa iba't ibang bahagi ng lalawigan at sa karatig-lugar nito.

Layunin ng DOT na mapasigla ang industriya ng turismo, hindi lang sa nabanggit na probinsya kundi pati na rin sa iba pang lugar na labis na naapektuhan ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kaugnay nito, pinahalagahan naman ni DOT Director Jeffrey Ortega si Pangasinan Rep. Christopher De Venecia dahil sa pagtulong nito na mapasiglapa ang turismo sa lugar.

Probinsya

Lalaki sa Davao, inatake at sinakal ang 19-anyos na babae na kapuwa pasahero sa jeep

Matatagpuan ang bikers' den saBrgy. Lipit-Tomeeng, San Fabian.

"Dahil nandito sa San Fabian ang kakaibang Bikers' Den,nabuhay ang bike tourism sa lalawigan ng Pangasinan," ayonnaman kay Provincial Tourism OfficerMalou Elduayan.

Liezle Basa Iñigo