Naglabas na ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Pinoy Big Brother hinggil sa isyung kinasasangkutan ng isa sa mga celebrity housemate na si TJ Valderrama.

Sunod-sunod na tweets ang inilabas ng PBB sa kanilang opisyal na Twitter account nitong Nobyembre 22.

"Matindi ang mga akusasyon na sinasabi ng online world kay TJ pero ano nga ba ang totoong saloobin ng mga housemates patungkol sa mga pangyayaring ito? #PBBKumuToyStories," saad sa unang tweet.

"Nitong mga nakaraang araw ay isang isyu patungkol sa ilang housemates ang naging trending topic online. Ito nga ay sa di umanong hindi magandang pakikitungo ni TJ sa kapwang housemate na si Shanaia," pangalawang tweet.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Sa loob ng mahigit limang linggong pagsasama-sama ng mga celebrity housemates ay hindi maikakaila ang nabuo nilang samahan at pagiging natural na malapit sa isa’t isa," ayon naman sa pangatlong tweet.

"Si Kuya, minabuting kausapin nang hiwalay ang mga boys at mga girls," ayon sa pang-apat na tweet at ipinakita pa ang mga litrato ng mga male at female housemates na magkahiwalay na kinausap ni Kuya sa confession room.

Screengrab mula sa Twitter/Pinoy Big Brother

"Maganda ang magpakita ng appreciation sa isa't isa. Gusto ko lang sabihin na kayo ay mga public figures. Kung kailangan mag-set ng boundaries, gawin n 'yo -Kuya," ayon naman sa panlimang tweet na nagpapakita ng paalala ni Big Brother sa mga housemate.

May paalala naman ang PBB sa mga viewer.

"Nawa'y mas maging mapanuri at responsable ang lahat sa social media at wag manghusga lalo na kung hindi sapat at tama ang konteksto at impormasyon," saad sa pang-anim na tweet.

"Ang harassment ay isang bagay na hindi palalagpasin ni Kuya kailanman lalo na't kung ito ay may patunay. Ngunit mismong mga housemates na ang nagsabi na walang anumang nagaganap na ganito sa loob ng bahay," wika sa pampitong tweet.

Samantala, ang partner naman ni TJ na si Cherry Malaya ay nagpahayag ng kaniyang pagkadismaya sa show, sa pamamagitan ng tweets.

"So PBB, porke gumawa kayo ng episode to explain yung "closeness" ni Shania at Tj, magiging ok na lang ang lahat??Mga siraulo. The damage has already been done!!! There's no way you can fix this! At di ako makikipag meet sa inyo. Si TJ lang ang kailangan kong makausap. PERIODT."

"Di na kayo naawa sa pamilya ni TJ! Sa mom nya na may sakit. Sa tatay nya na pinalaki syang matino at may takot sa Diyos. Sa tatlong kapatid nyang babae! Punong puno na ako sa kakulangan nyo!!! Palabasin nyo na yan! Money making Bullshit show."

"Waking up to messages from friends and family telling me they are here for me. Thank you! You have no idea how much this means to me."

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/22/cherry-malaya-may-mensahe-sa-pamilya-ng-bf-na-si-tj-valderrama-sinoplak-ang-pbb/

Samantala, ayon naman kay Shanaia Gomez, parang kuya ang tingin niya kay TJ, gayundin kay Brenda Mage.

"Sina Kuya TJ at Mama Brends, caring po sila, they always come to the rescue, parang kuya na po talaga sila sa akin so I'm really really happy," pahayag ni Shanaia sa episode kung saan kinausap sila ni Kuya upang ma-address ang isyu ng harassment, na ipinupukol ng mga netizen kay TJ.

Maging ang Gabriela party-list kasi ay naalarma na rin at kinuha na ang atensyon ng PBB management.

Abangan na lamang ang airing ng episode kung saan mapapanood ang hiwalay na pakikipag-usap ni Kuya sa mga male at female housemate, upang ma-address ang isyung ito.