Ipinahayag ni Vice Presidential aspirant at House Deputy Speaker Lito Atienza sa isang news forum na nagtagumpay si Senador Panfilo “Ping” Lacson na ipahiya si Pangulong Duterte sa pamamagitan ng pagtatanim ng watawat ng Pilipinas sa isang isla sa West Philippine Sea nitong weekend.

Ani Atienza, runningmate ni Promdi presidential bet Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao, na naipahayag ni Lacson ang kanyang punto at nilinaw ang kanyang posisyon sa WPH sea dispute.

“I agree with senator’s manifestation of his decision,” sabi ng kinatawan ng BUHAY Partylist sa midya sa naganap na Pandesal Forum nitong Martes, Nob. 22.

Sinabi ni Atienza na magkapareho sila ni Pacquiao ng posisyon tungkol sa paninindigan na pagmamay-ari ng Pilipinas ang ilang teritoryo sa WPS ngunit hindi siya naniniwala na maisusulong ito sa pamamagitan lang ng pagpunta sa Pagasa o anumang lugar na inaangkin ng Pilipinas.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Manny Pacquiao and I need go to any of the islands. I know we will fight for what our country owns in the best we can by going to the United Nations,” sabi ng mambabatas.

“Ang gagawin natin ay seryosohin natin ang paninindigan sa UN. Nandoon ang tunay na laban,” sabi ni Atienza.

Sinabi niya na nilinaw ni Lacson ang kanyang punto at sa proseso ay nagawa niyang ipahiya si Duterte.

Matatandaan na noong presidential debate noong 2016, pinahanga ni Duterte ang maraming Pilipino na balak niyang itanim ang watawat ng Pilipinas sa mga lugar na pinag-aawayan sa pamamagitan ng pagpunta doon sakay ng jetski.

Gayunpaman, nabigo ang chief executive na isakatuparan ang kanyang kalauna'y sinabing "political bravado" habang ang China ay patuloy na umano’y gumawa ng maraming protestang aksyon na tila naglalayong pahinain ang tagumpay ng Pilipinas sa 2016 arbitral tribunal issue ng WPS.

Noong Lunes, ginulat ni Duterte ang mga kritiko nang ideklara niya ang kanyang pagkasuklam sa insidente ng water cannoning sa Ayungin Shoal.

“We abhor the recent event in the Ayungin Shoal and view with grave concern other similar developments. This does not speak well of the relations between our nations and our partnership,” sabi ni Duterte sa naganap na ASEAN-China Special Summit.

Ben Rosario