Inaprubahan ng Mababang Kapulungan sa pangatlo at huling pagbasa ang House Bill 10322, na naglalayong matiyak ang effectiveness ng Official Development Assistance (ODA) loans at grants.

Tumanggap ng 166 boto ang panukala.

|

Ang panukalang “ODA Effectiveness Act” ay mag-aamyenda sa Republic Act 8182 o ng “The Official Development Assistance Act of 1996, as amended” to expand its objectives and specify that the program must promote and achieve sustained reduction of poverty and inequality, as well as support the enjoyment of human rights, democracy, environmental sustainability, and gender equality".

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Upang lalong masiguro ang wastong implementasyon ng panukala, ang Congressional Oversight Committee on ODA ay bibigyan ng mandato na: 1) imonitor ang implementasyon nito;  2) repasuhin ang ODA loans o loans at grants na nakuha; 3) siguruhin ang kinakailangang mga mekanismo na magpapahintulot sa Kongreso na ma-assess at tanggihan ang mga kondisyon o conditionalities laban sa interes ng bansa; at 4) pag-aralan ang epekto ng mga proyekto ng ODA.  

Bert de Guzman