Tila hindi ikinatuwa ng netizens ang naging tugon ng sikat na programang Pinoy Big Brother House (PBB) kaugnay ng mga paratang na mayroong nangyayaring "harassment" sa loob ng bahay.
Nitong gabi ng Lunes, Nob. 21, naglabas na ng pahayag ang PBB kasunod ng mabibigat na akusasyon ng netizens sa umano'y "unsolicited physical contact" ng housemate na si TJ Valderrama, 35, kay Shanaia Gomes, 19.
Kinausap din ni "Kuya," ang tumatayong tagapangasiwa ng PBB House ang mga housemate ukol sa relasyon nito sa isa't isa kung saan nabanggit ni Shanaia na isang nakakatatandang kapatid na rin ang turing niya kay TJ at Brenda.
“Sina Kuya TJ at Mama Brends, caring po sila, they always come to the rescue, parang kuya na po talaga sila sa akin so I’m really really happy,” pahayag ni Shanaia sa episode kung saan kinausap sila ni Kuya upang ma-address ang isyu ng harassment, na ipinupukol ng mga netizen kay TJ.
Ngunit tila hindi nakumbinsi ng programa ang mga netizen sa naging pamamaraan nito para resolbahin ang isyu. Dismayado ang ilan sa kanila at muli ay binatikos ang umano'y pagsasawalang-bahala ng programa sa kapakanan ni Shanaia.
Narito ang ilang saloobin at suhestyon ng mga netizens sa dapat na naging atake ng programa sa pagresolba ng isyu: