Bilang paraan upang maisulong ang programa ng pagbabakuna ng lungsod laban sa COVID-19, nag-alok ang Marikina ng espesyal na second dose inoculation para sa mga residente na hindi nakadalo sa kanilang nakaraang vaccination schedule, inihayag ng tanggapan ng Marikina Public Information nitong Martes, Nob. 23.

Isasagawa ng Marikina itong espesyal na pagbabakuna sa Marikina Elementary School sa Barangay Sta. Elena sa mga sumusunod na petsa: Biyernes, Nob. 26; Lunes, Nob. 29; at Martes, Nob. 30 mula 8:00 a.m. hanggang 4:00 p.m.

Larawan mula sa Marikina Public Information Office

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tanging mga nakabunahan ng Sinovac, AstraZeneca, Moderna, Sputnik V, at Sinopharm sa kanilang unang dose ang maaaring pumunta sa mga nakalaang petsa.