Sinimulan na ng Las Piñas City government ang pag-aadminister ng booster shots laban sa COVID-19 sa mga senior citizens ng lungsod nitong Martes, Nobyembre 23.

Ayon kay Paul San Miguel, Public Information Office chief, tinatarget ni Mayor Imelda Aguilar na makapagbakuna ng 4,000 senior citizens kada araw.

Sinabi rin ni San Miguel na magpapatuloy ang pagbibigay ng booster shot sa mga medical frontliners.

Dagdag pa niya, makatatanggap ng text message mula sa City Health Office (CHO) ang mga babakunahan na naglalaman na kung saan ang vaccination site, petsa, at oras ng vaccination.

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Ipinaliwanag ng PIO chief na ang mga babakunahang senior citizens ay dapat fully vaccinated sa loob ng 6 na buwan. Kailangan dalhin ang kanilang vaccination card para sa booster shot.

Jean Fernando