Nakasalalay sa payo ng kanyang doktor ang desisyon ni Pangulong Duterte kung tatanggap siya ng booster shot laban sa coronavirus disease (COVID), sinabi ng Palasyo nitong Martes, Nob. 23.

Sa kanyang virtual media briefing, sinabi ni Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles na naghihintay lang ang Chief Executive ng medical advice kung kukuha siya ng COVID-19 booster shot.

“Kung tatanggap ba siya [Duterte] o isasapubliko ba ang additional o booster shots, that’s actually between the President and his personal physician,” sabi ni Nograles.

“So, abangan na lang natin po kung ano ang magiging advice ng kanyang personal physician,” dagdag ng opisyal ng Palasyo.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Bago ito, ang mga health worker ay nakatanggap ng kanilang mga boosyer shot mula noong nakaraang linggo bilang dagdag proteksyon laban sa nakamamatay na virus.

Nasa 8.2 milyong senior citizens at 8.4 milyong indibidwal na may comorbidities ang target mabakunahan ng COVID-19 booster shots ngayong taon.

Noong nakaraang Mayo, natanggap ni Duterte ang unang dose ng Sinopharm vaccine na itinurok mismo ni Health Secretary Francisco Duque III.

Noong panahong yon, wala pang emergency use authorization ang Sinopharm ngunit binigyan lamang ito ng compassionate special permit para magamit sa Presidential Security Group.

Natanggap ng Pangulo ang ikalawang shot ng COVID-19 na ginawa ng China noong Hulyo 12, dalawang buwan pagkatapos niyang makuha ang unang dose.

Raymund Antonio