Binawi na ng Senado ang panukalang budget ng Philippine Sports Commission (PSC) kaugnay ng kontrobersyal na alegasyon ngPhilippine Athletics Track and Field Association (PATAFA)na hindi binayaran ni Olympian EJ Obiena ang kanyang coach.

Isinagawa ang pagbawi bilang tugon ng mga senador sa mosyon si Senator Pia Cayetano sa usapin,

Paliwanag ni Cayetano, kaya siya naghain ng mosyon dahil si Obiena ay nagdala ng karangalan sa bansa matapos ang mga laban nito sa iba't ibang bansa.

Matatandaang iniutos ng PATAFA kay Obiena na ibalik ang85,000 euros na umano'y hindi ibinayad sa coach nito na si Vitaly Petrov.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa alegasyon pa ng PATAFA, pinalsipikani Obiena ang liquidation reports nito na agad namang itinanggi ng huli kasabay ng paglalantad ng dokumento na nagpapatunay na binayaran na niya si Petrov.

"Ang sa akin lang po, this is a young man with a beautiful career ahead of him. Anyone who has ever tried to participate in sports can just imagine the emotional and mental anguish that this young boy is going through because of these accusations of PATAFA, where the coach himself is saying binayaran naman siya," ayon kay Cayetano.

Nadismaya rin sa Cayetano sa naging tugon ng PSC na "hindi sila makikialam sa usapin kay Obiena.

"Sabi lang nila, 'Work it out.' How can you do that to your national athlete? Work it out? Pakialaman mo naman. Bigyan mo naman ng halaga ang ating national athlete na inakusahan na lang ng ganun ganun na lang. Wala pang basis, because no less than the coach said that he has been paid," anang senador.

"Ilan ang athlete ng PATAFA na naparating na nila sa Olympics? I think it’s just EJ Obiena. So don’t you think this guy at least deserves to be treated with respect? There’s nothing that can be done to take away the shame and the embarrassment and the stress that was put upon this athlete as he is training right now and having to deal with all this," pagtatanggol pa ni Cayetano.