Muling binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na mag-ingat laban sa mga nagkalat na modus ng mga scammer na tila nauuso ngayong nalalapit ang Kapaskuhan.
Ito ay kasunod ng pagkalat ng SMS scam na nag-aalok ng part-time jobs sa publiko.
"Isang mahalagang paalala: H'wag hayaan na ma-scam. Maging alerto sa kumakalat na SMS scam na nag-ooffer ng part-time jobs," ayon sa abiso ng DTI.
Malaki ang naging epekto ng pandemyang COVID-19 sa mga mamamayan at karamihan ay pawang nawalan ng hanapbuhay o trabaho kaya may posibilidad na mabiktima sa ganitong modus ang mga tao na nagnanais ng alternatibong mapagkakakitaan.
Panawagan ng DTI,mangyaring ipagbigay alam sa online platform ng ahensya o sa DTI Consumer Care kung may pagdududa.
Pinaalalahanan pa ng DTI ang mga consumers na manatiling alerto at ligtas sa tuwing namimili sa mga pamilihan at shopping malls.
Bella Gamotea