Bakunado na laban sa COVID-19 ang 72 porsyento ng 48,598 persons deprived of liberty (PDLs) sa pasilidad ng Bureau of Corrections.

Sa pahayag ng BuCor, sa huling datos noong Nobyembre 19 nabakunahan na ang 35,111 PDLs. Sa naturang bilang, 9,845 PDLs ang fully vaccinated na habang 25,266 naman ang nakatanggap na ng kanilang first dose.

Sa mga bakunado,  22,134 ang mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City. Ang NBP ay mayroong 28,516 PDLs.

Ang iba pang mga nabakunahan na PDLs ay mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City na may 3,100; Sablayan Prison at Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro, 600; San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa Zamboanga City, 1,7156; Leyte Regional Prison (LRP), 822; at Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Davao del Norte, 5,034; at Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF), 1,705.

VP Sara, dinamayan tauhan niyang nakadetine sa Kamara dahil sa contempt order

Noong Lunes, Nob. 22, sinabi ni Justice Secretary Menardo I. Guevarra na hihilingin niya sa National Task Force Against COVID-19 na isama ang mga hindi pa bakunadong PDLs sa National Vaccination Days sa Nob. 29 hanggang Dec. 2.

“I understand that we have millions of doses available for this big event, so this is the opportune time to consider the health of our PDLs who are at risk of infection due to prison overcrowding," ani Guevarra

Jeffrey Damicog